Home / Lifestyle / 1 patay, 1 arestado sa buy-bust sa Cebu City

1 patay, 1 arestado sa buy-bust sa Cebu City

CEBU CITY—Patay ang isang 18-anyos na lalaki matapos umanong manlaban sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Mabolo Sabado ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Rafael Arcipe na isa umanong bagong drug personality ayon kay Senior Insp. Juanito Dindo Alaras, hepe ng Mabolo Police.

Dagdag niya, unang nagpaputok ang suspek nang mamataang papalapit ang operatiba. 

Narekober ng ang kalibre-.38 na baril, 2 bulto at mga pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang higit P100,000 ang halaga.

Sinasabing mga construction worker ang mga customer ng suspek na naaktuhan sa isang pot session. 

Arestado ang isa pang 24 anyos na lalaki na si alyas Jeffrey. Samantala, na-rescue ang isang 13-anyos na binatilyo na itinuturong runner ng ilegal na negosyo.

Todo tanggi naman si alyas Jeffrey na kasali siya sa pot session. Ayon sa kaniya, dati na siyang tumatambay sa lugar dahil kakilala niya si Arcipe ngunit napadaan lang siya sa lugar noong isinagawa ang buy-bust operation. 

Inamin naman niyang dati siyang gumagamit ng ilegal na droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*