Home / Lifestyle / 100 bahay natupok sa Cebu City

100 bahay natupok sa Cebu City

Nilamon ng apoy ang nasa 100 bahay sa Cebu City. ABS-CBN News

CEBU CITY – Nasunog ang nasa 100 bahay sa Barangay Kamputhaw sa bayan na ito, Miyerkoles. 

Pasado alas-10 ng umaga sumiklab ang sunog at mabilis na kumalat sa mga tahanang gawa sa light materials. 

Kabilang sa mga natupok ang isang Muslim compound, ayon sa kapitan ng barangay na si Jessica Cadunggog. 

Makikita sa larawang ito ang 2 sa mga bumberong rumesponde sa sunog sa Cebu City. ABS-CBN News

Aabot sa P1 milyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog, dagdag ng Bureau of Fire Protection. 

Nanawagan naman ng tulong ang pamunuan ng barangay dahil naubos na anila ang kanilang calamity fund matapos ang isa pang sunog sa lugar nitong Agosto. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*