Home / Lifestyle / 13 sugatan nang mabangga ng truck ang isang tricycle sa Davao

13 sugatan nang mabangga ng truck ang isang tricycle sa Davao

DAVAO CITY – Nasa 13 pasahero ang sugatan sa salpukan ng isang truck at tricycle sa lungsod na ito Linggo ng hapon.

Ayon sa mga nakakita, mabilis ang takbo ng trak na minaneho ni Rodolfo Duran. Nabangga nito ang tricycle na minamaneho ni John Nathan Geolina na patawid na sana sa kalsada.

Sa lakas ng impact, nahulog ang trak sa kanal.

Anim sa 13 sugatan ay miyembro ng pamilyang Geolina na sakay ng tricycle.

Pito rin ang sugatan sa 17 pasahero ng trak na agad ding ginamot.

“Based sa initial investigation ang driver ng bonggo (truck) ang may kasalanan kasi based sa witness nasa static position pa ang tricycle. Sa evidence din nasira ang pavement so tinamaan niya talaga ang tricycle,” pahayag ni Police Chief Inspector Arquiomedes Wesley, ang station commander ng Calinan Police.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injury and damage to property ang driver ng trak na si Duran.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*