Home / Lifestyle / 15 arestado sa Valenzuela dahil sa ilegal na droga

15 arestado sa Valenzuela dahil sa ilegal na droga

MANILA -Arestado ang dalawang umano'y tulak ng illegal na droga at 13 parokyano nila sa isang buy-bust operation sa Valenzuela City. 

Ayon sa paunang ulat ng Valenzuela City police, nagkasa sila ng buy-bust operation laban sa dalawang suspek sa Independence Street, Gen. T. De Leon.

Bumili ang isang pulis na nagpanggap na buyer ng P200 halaga ng shabu mula sa mga suspek. 

Agad na hinuli ang dalawa matapos ang transaksiyon, isinama din sa mga hinuli ang 13 indibidwal kabilang ang isang babae.

Narekober ng pulisya ang 16 na sachet ng hinihinalang shabu.

– Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*