Home / Lifestyle / 153 dayuhan timbog sa telephone fraud sa Ilocos Sur, Las Piñas

153 dayuhan timbog sa telephone fraud sa Ilocos Sur, Las Piñas

Arestado ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at Chinese police ang 153 dayuhan mula China at Taiwan na sangkot umano sa ilegal na operasyon ng telephone fraud sa China sa magkahiwalay na pagsalakay sa Ilocos Sur at Las Piñas.

Sinalakay ng mga operatiba ang isang bahay sa Brgy. Nagtupacan, San Vicente, Ilocos Sur nitong Sabado ng umaga at doo’y nabungaran nila ang hilera ng bunkhouses na tinutuluyan ng mga dayuhan.

Ayon sa ACG, Nobyembre nang makipagtulungan sa kanila ang Chinese Police matapos ma-monitor ang may 100 internet protocol addresses sa China na nagmumula sa Pilipinas.

Modus umano ng telephone fraud o voice phishing operation na magpanggap na pulis, prosecutor o judge sa mga biktima nila na kung minsan ay may-ari ng kompanya sa China.

Sinasabi umano ng mga kawatan sa mga biktima na iniimbestigahan ang kanilang bank account o phone number. At para umano matulungan sila, pinagbubukas ang mga ito ng bagong bank account at doon na pinalilipat ang pera.

May 100 ang nabibiktima nila kada araw sa China, ayon sa awtoridad.

Dito sa Pilipinas nagtatayo ng operasyon ang mga sindikato at umuupa ng malalaking bahay sa mga pribadong subdibisyon kung saan patitirahin ang mga telecom fraudster.

Bago pa masakote ng mga pulis, tinangka namang sunugin umano ng mga fraudster ang listahan nila ng mga biktima. 

Sa isang eksklusibong subdibisyon naman sa Las Piñas, arestado ang may 17 Chinese national at isang Pinoy sa parehong modus.

Ang mga naarestong dayuhan ay pumasok umano sa bansa bilang turista at walang mga work permit, ayon sa Bureau of Immigration.

Iimbestigahan pa kung dito sa Pilipinas o sa China sasampahan ng kaso ang mga suspek.

–Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*