Home / Lifestyle / 2 arestado dahil sa pagsusuot ng police uniform sa documentary

2 arestado dahil sa pagsusuot ng police uniform sa documentary

Inaresto ang 2 lalaki dahil sa ilegal na pagsusuot ng police uniform habang gumagawa ng documentary sa Cainta, Rizal nitong Linggo.

Sasabak sana sa short film competition sa Bangkok, Thailand ang mga lalaking gumanap bilang mga pulis na nanghuli sa isang nagpanggap na drug user.

Pero iginiiit ng pulisya na walang permit ang mga aktor para gamitin ang police uniform na nirentahan nila mula sa isang props shop.

Gumamit din anila ang mga ito ng mga pekeng baril na ikinatakot ng mga residente.

Iginiit naman ng producer ng documentary na si Faustine Angeles na layon ng kanilang documentary na ipakita ang magandang gawain ng mga pulis.

Gayunman, ikinulong pa rin ang 2 aktor ng grupo at nakatakdang i-inquest ngayong Lunes ng umaga.

Umagang Kay Ganda, 3 Disyembre 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*