Home / Lifestyle / 2 'carnapper' patay sa engkuwentro sa QC

2 'carnapper' patay sa engkuwentro sa QC

MAYNILA – Patay ang 2 hinihinalang carnapper matapos maka-engkuwentro ng mga pulis sa CP Garcia Ave., Barangay UP Village, Quezon City.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga suspek. Nakasuot sila ng itim na jacket at shorts.

Ayon kay Chief Insp. Joey Caise ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nagsagawa sila ng follow-up operation matapos ireport ng biktima ang nangyaring pagnanakaw ng motorsiklo.

Natunton ng mga operatiba ang mga suspek hanggang sa masukol sa CP Garcia Ave. Nagkaroon ng putukan na naging dahilan sa kanilang pagkamatay.

Positibo namang kinilala ng biktima ang motorsiklong narekober sa operasyon.

Pinaghahanap naman ng CIDG ang mga nakatakas ng kasamahan ng mga suspek. – ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*