Home / Lifestyle / 2 estudyante, sugatan sa buy-bust sa Iloilo City

2 estudyante, sugatan sa buy-bust sa Iloilo City

Pinoproseso na ng Scene of the Crime Operatives ang Starex van ng mga suspek. Naimaneho pa ng isa sa mga suspek ang van sa ospital kung saan sila ngayon nagpapagamot mula sa natamong mga tama ng baril. Joyce Ann Clavecillas, ABS-CBN News

ILOILO CITY – Dalawang estudyante na target ng buy-bust ang sugatan matapos na mabaril habang sakay ng isang van, Miyerkoles ng madaling araw sa Mandurriao.

Ayon sa pulisya, nabilhan ng nagpanggap na buyer ng marijuana ang 2 suspek na sina "Jessieje" at "Daniel" sa halagang P1,200. 

Nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad na may nagaganap na bentahan ng marijuana at mga estudyante ang mga kliyente kaya agad nagkasa ng operasyon.

Nang malaman ng mga suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon ay agad na pinaandar ang Starex van at pinaputukan pa umano ang mga operatiba.

Tinangka ng mga pulis na patigilin ang sasakyan sa pamamagitan ng pagbaril sa mga gulong, pero natamaan ang mga subject.

Nakapagmaneho pa hanggang ospital si Jessieje kung saan dito na sila ginamot dahil sa mga natamong sugat.

Natagpuan sa loob ng van ng mga suspek ang isang baril, empty shells at mga bala.

Napag-alaman na magkaklase ang dalawa sa isang unibersidad sa Iloilo City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*