Home / Lifestyle / 2 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Malabon

2 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Malabon

MAYNILA—Patay ang 2 tao habang sugatan ang kanilang kasamahan matapos pagbabarilin sa Barangay Catmon, Malabon City.

Kinilala ang mga namatay na sina Eduardo Esternon at Marcos De Leon. Nagpapagaling naman sa ospital si William Mortar.

Ayon sa pulisya, 4 na armadong lalaki ang pumasok sa bahay ni Esternon at saka pinagbabaril ang mga biktima.

Narekober sa crime scene ang nasa 20 basyo ng bala ng baril. Palaisipan pa sa pulisya ang motibo sa pamamaslang.

Bago ang insidente, sinabi ni Mortar na pinag-uusapan nila noon ang isang community project sa barangay at selebrasyon ng kanilang grupong Arya Progresibo Organization. — Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*