Home / Lifestyle / 2 retiradong pulis patay nang barilin sa Cebu

2 retiradong pulis patay nang barilin sa Cebu

TALISAY CITY, Cebu – Patay ang dalawang retiradong pulis nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Tabunoc, Linggo ng gabi.

Pauwi sakay ng motor sina Edgar Causon at Ferdinand Navales, parehong galing sa kapihan, nang sila ay pagbabarilin sa Bacalso Avenue.

Ayon kay Chief Insp. Ardy Cabagnot, deputy chief ng Talisay police, unang binaril si Causon na posibleng target ng salarin. Bumunot lang aniya ng baril si Navales kaya pinaputukan din.

Dating natalaga sa region 7 ang dalawang biktima na nagretiro noong 2017. Si Causon ay huling nadestino sa Pardo Police Station sa Cebu City at si Navales ay sa provincial intelligence branch.

Pero bago sa kanilang huling mga posisyon, nagkasama umano sila sa Talisay City PNP bilang mga imbestigador. Hinala ni Cabagnot, personal ang posibleng motibo sa pamamaril.

Tinitingnan na ng pulisya ang CCTV sa isang supermaket na malapit sa pinangyarihan ng pamamaril upang matukoy ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*