Home / Lifestyle / 200 gramo ng shabu, nasabat sa Cagayan de Oro

200 gramo ng shabu, nasabat sa Cagayan de Oro

CAGAYAN DE ORO CITY – Nasabat ang nasa halos 200 gramo ng hinihinalang shabu sa loob ng bahay at sasakyan ng mag-asawang naninirahan sa isang subdivision sa Barra, Opol Huwebes ng gabi.

Inaresto ng mga awtoridad si Solaiman Cairan, na kilala umano sa pagbebenta ng droga sa lugar.

Itinanggi ni Cairan na pagmamay-ari niya ang nasabat na droga.

Haharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ayon sa mga awtoridad, kakasuhan din ang maybahay ni Solaiman dahil sa umano’y pakikipagsabwatan nito sa iligal na gawain ng kanyang asawa.

Iniimbistigahan din ng mga pulis ang mga kasambahay ng mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*