Home / Lifestyle / 25 bahay nasunog sa QC

25 bahay nasunog sa QC

Dalawampu’t-limang pamilya ang nawalan ng tirahan matapos matupok ang 25 bahay sa Barangay Kaligayahan, Quezon City Sabado.

Ayon kay FO3 Leonathan Tumbaga, arson investigator ng QC Fire Department, alas-5:05 ng hapon nagsimula ang apoy at agad na itinaas sa unang alarma.

Dahil sa dikit-dikit ang mga bahay at karamihan ay gawa lamang sa kahoy at yero, agad nilamon ng apoy ang mga katabing bahay at umakyat sa ikalawang alarma bago tuluyang naapula bandang alas-7 ng gabi.

Nagsimula ang apoy sa kusina ng bahay ng isang Marita Ranque bagamat inaalam pa kung ano mismo ang naging sanhi ng apoy. 

Tinayang nasa P150,000 ang halaga ng mga ari-ariang nasunog.

Isang babae naman ang nagtamo ng minor injury matapos makatapak ng basag na bote bagamat hindi naman na kinailangang dalhin sa ospital.

Kasalukuyang nasa covered court ng baranggay ang mga apektadong pamilya kasama ang kanilang mga naisalbang gamit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*