Home / Lifestyle / 3 bahay naabo sa sunog sa Cagayan de Oro

3 bahay naabo sa sunog sa Cagayan de Oro

CAGAYAN DE ORO CITY – Tatlong bahay ang naabo sa isang sunog sa Sitio Palawan, Barangay Camaman sa lungsod na ito Linggo ng hapon.

Ayon kay SFO2 Emilda Barazan, nagsimula ang apoy sa kisame sa ikalawang palapag ng bahay ng pamilya ni Juanita Acosar.

Nagsimula ang sunog bandang 5:04 ng hapon. Naideklara itong under control bandang 5:17, at naapula naman bandang 5:52 ng hapon.

Walang naiulat na nasugatan o namatay sa sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*