Home / Lifestyle / 3 patay, 1 nawawala matapos tambangan ng umano'y NPA sa Agusan del Norte

3 patay, 1 nawawala matapos tambangan ng umano'y NPA sa Agusan del Norte

BUTUAN CITY – Patay ang isang sundalo at 2 miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) matapos tambangan Huwebes ng umaga sa bayan ng Remedios T. Romualdez sa Agusan del Norte.

Alas-3 ng madaling araw nang umalis sa base sa Barangay San Antonio ang isang squad ng CAFGU upang mag-patrol at kumpirmahin ang impormasyong ibinigay ng mga residente hinggil sa presensya ng rebeldeng New People's Army (NPA) sa lugar.

Pauwi na sana ang tropa ng tambangan umano ng mga rebelde. Nakuha pang magbalik ng bala ng tropa na pinangunahan ni Staff Sergeant Battal Hairulla pero sumabog ang landmine na nagresulta sa agarang pagkamatay nito at ng miyembro ng CAFGU na si Gari Mabasle. 

Ang CAFGU naman na si Daryl Cabonce ay nadala pa sa ospital matapos magtamo ng mga sugat sa baywang at leeg pero binawian din ng buhay, ayon kay Lt. Edmar Colagong, hepe ng 29th Infantry Battalion. 

Nawawala pa hanggang ngayon at pinaniniwalaang dinukot ng mga miyembro ng NPA ang isang CAFGU na si Reginald Kiem.

Nakuha din ng mga rebelde ang isang R4 rifle, dalawang M16 rifle at isang M14 rifle.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*