Home / Lifestyle / 3 timbog sa 'drug session' sa motel sa Makati

3 timbog sa 'drug session' sa motel sa Makati

MAYNILA – Timbog ang 3 katao matapos mahuling gumagamit umano ng droga sa isang motel sa Makati City.

Ayon kay Senior Supt. Roger Simon, hepe ng Makati City police, nakatanggap ng tip ang mga pulis ukol sa isang drug session sa motel sa Kalayaan Ave.

Nahuli ang 2 lalaki at 1 babae sa isang kuwarto ng motel na gumagamit ng droga. 

Nakuha sa kanila ang 13 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P90,000 at mga drug paraphernalia.

Ayon sa pulisya, posible umanong nagtutulak rin ang 3 at ginagamit lang ang kuwarto sa motel bilang base.

Nakakulong ngayon sa Makati City police ang mga suspek. – ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*