Home / Lifestyle / 5 lalaki tiklo sa buy-bust sa hotel sa QC

5 lalaki tiklo sa buy-bust sa hotel sa QC

MAYNILA – Arestado ang limang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa isang hotel sa E. Rodriguez, Quezon City, Miyerkoles ng madaling araw.

Target ng buy-bust ang "male escort" na si alyas Matt na bukod sa pag-e-escort ay nagbebenta rin umano ng droga bago makipagtalik sa kanyang mga kliyente, ayon sa pulisya. 

Aabot sa P1,000 halaga ng hinihinalang shabu na nakalagay sa 24 na sachet ang nakuha sa suspek at sa dalawa pa nitong kasamahan sa trabaho.

Sa kabilang kuwarto naman, nahuli ng pulisya ang isang titser at ang kanyang runner na nakunan din ng 15 sachet ng hinihinalang shabu. 

Lahat ng suspek na nahuli ay mahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Act.–ulat mula kay Lyza Aquino, ABS-CBN News

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*