Home / Lifestyle / 5 miyembro ng 'dugo-dugo' gang, arestado sa Caloocan

5 miyembro ng 'dugo-dugo' gang, arestado sa Caloocan

MAYNILA – Kalaboso nitong Huwebes sa Caloocan City ang 5 hinihinalang miyembro ng "dugo-dugo" gang.

Nakuha sa mga suspek ang P5 milyong halaga ng alahas, relo, at titulo ng lupa.

Ayon sa pulisya, nambiktima ang grupo sa isang bahay sa Makati City noong Oktubre.

Kuwento ng may-ari ng bahay, nagpanggap ang isang suspek na kaibigan niya.

Nakumbinsi nito ang kasambahay na ibigay ang kaniyang pera at mga alahas para pambayad matapos umano siyang maaksidente.

"Feeling niya kilalang-kilala ako ng friend ko, alam 'yung pangalan ko, apelyido ko, pangalan ng asawa ko," aniya.

Nakuhanan sa CCTV ang pagkikita ng kasambahay at ng suspek sa Recto, Maynila.

Pero nitong Huwebes lang nahuli ang grupo nang tinangka nilang i-budol-budol ang isang negosyante.

Naaresto ng Quezon City Police District at Northern Police District ang 4 na babae at isang lalaki sa Maria Clara St., Caloocan City.

Inamin ng mga suspek ang kanilang modus maliban sa lalaki.

Magsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya para matunton ang ibang miyembro ng grupo.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong estafa at paglabag sa anti-fencing law. – ulat ni Bruce Rodriguez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*