Home / Lifestyle / 6 na lalaki timbog sa buy-bust sa Talisay City

6 na lalaki timbog sa buy-bust sa Talisay City

T

TALISAY, Cebu – Timbog ang 6 na lalaki sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa siyudad, Sabado ng gabi. 

Tinatayang P2.3 milyong halaga naman ng hinihinalang shabu ang nasamsam umano sa suspek na si alyas Reinel na subject ng buy-bust sa Barangay Poblacion. 

Matagal na umanong sinusubaybayan ng mga awtoridad si Reinel dahil talamak umano ang pagbebenta nito ng ilegal na droga, ayon kay Senior Insp. Alejandro Batobalonos ng Drug Enforcement Unit.

Dagdag pa ni Batobalonos, miyembro din umano si Reinel ng Mananga gun-for-hire group, batay na rin sa paunang imbestigasyon ng pulisya. 

Umamin naman ang suspek na kanya ang nasamsan na ilegal na droga. Napilitan aniya siyang magtulak ng droga dahil sa hirap ng buhay.

Samantala, aabot sa kabuuang P1.2 milyon ang halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha umano sa mga suspek na sina alyas Reynaldo, Jaylord, Jayward, Proglen at Rodrigo sa Barangay Lawaan 3.

Nakatakas naman sa operasyon si alyas Alberto, na mismong target ng pulisya sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*