Home / Business / ALAMIN: Galaw sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo

ALAMIN: Galaw sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo

Tuloy pa rin ang serye ng rollback sa diesel pero maliit na lang ito na maglalaro sa P0.10 hanggang P0.15 kada litro.

Pati ang kerosene, may bawas-presyo pa rin na aabot ng P0.40 hanggang P0.50 kada litro. 

TINATAYANG ROLLBACK:

  • Diesel → P0.10-P0.15/litro
  • Kerosene → P0.40-P0.50/litro

Pero sa gasolina, putol na ang serye ng rollback dahil maglalaro sa P0.40 hanggang P0.50 kada litro ang magiging dagdag-presyo.

TINATAYANG OIL PRICE HIKE

  • Gasolina → P0.40-P0.50/litro

Ilang araw ding tumaas ang presyo ng imported na langis sa world market habang hinintay ang desisyon ng Organisation of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na magbawas ng produksiyon.

Noong Biyernes, tuluyan nang nagpasya ang OPEC at kaalyadong bansa na bawasan ng 1.2 million barrels kada araw ang produksiyon ng langis.

Ayon sa mga analyst, posibleng sumipa ang presyo ng langis sa susunod na linggo bilang reaksiyon sa bawas-produksiyon.

Dahil imported ang petrolyo sa Pilipinas, sapul ito sa ano mang pagtaas sa presyo ng langis sa world market.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*