Home / Lifestyle / ALAMIN: Hatol kina Bong Revilla, Napoles maaari pa bang mabaligtad?

ALAMIN: Hatol kina Bong Revilla, Napoles maaari pa bang mabaligtad?

Nitong Biyernes, inabsuwelto ng Sandiganbayan si dating senador Bong Revilla sa kasong plunder kaugnay ng umano'y pagkulimbat niya ng kaniyang milyon-milyong pork barrel fund na idinaan daw sa "bogus" non-government organizations (NGO) ni Janet Lim Napoles. 

Samantala, guilty naman si Napoles at ang dating kanang kamay ni Revilla na si Richard Cambe sa parehong kaso. 

Pero maaari pa bang mabaligtad o iapela ang desisyon ng korte para ma-convict ang dating senador? 

Ayon kay Atty. Claire Castro sa "Usapang de Campanilla" ng DZMM, hindi na maaaring maapela ang hatol kay Revilla. 

Ito umano ay para maiwasan ang prinsipyo ng double jeopardy, o ang karapatan ng mga mamamayan na hindi sumailalim sa paulit-ulit na pagsasakdal.

Hindi na rin tatanggap ang korte ng kahit anong bagong ebidensiya dahil pinal na ang hatol sa kaso. 

"Iyung pag-assess at pagbibigay ng weight sa trial court ginagalang 'yan. Otherwise pag inapela mo, malalagay 'yung accused sa double jeopardy," ani Castro . 

Pero ani Castro, kung mapapatunayan umano na may mistrial o abuse of discretion sa paglilitis ng korte, maaaring maghain ng Petition for Writ of Certiorari ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema para "maituwid" ang hatol.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*