Home / Lifestyle / ALAMIN: Mga kalsadang isasara sa Maynila sa Lunes, Disyembre 3

ALAMIN: Mga kalsadang isasara sa Maynila sa Lunes, Disyembre 3

Isasara ang ilang kalsada sa Malate, Maynila sa Lunes at magpapatupad ang mga awtoridad ng traffic rerouting para bigyang daan ang isang politikal na okasyon, sabi ngayong Linggo ng Manila Police District.

Ipatutupad ang road closure at rerouting dahil sa programang lalahukan ng mga miyembro ng mga partidong Hugpong Ng Pagbabago at Pwersa ng Masang Pilipino.

Kabilang sa mga isasarang kalsada simula alas-5 ng madaling araw ang mga sumusunod:

  • Kahabaan ng San Andres Street mula Adriatico Street hanggang L.M. Guerrero Street.
  • Kahabaan ng Leveriza Street mula Quirino Avenue hanggang San Andres Street.

Narito naman ang rerouting scheme:

  • Ang lahat ng sasakyan na manggagaling sa Roxas Boulevard at dadaan sa San Andres Street ay maaaring kumanan sa L.M. Guerrero Street. 
  • Ang mga sasakyang manggagaling dadaan sa Leveriza Street at papunta ng San Andres Street ay maaaring kumaliwa o kumanan sa Quirino Avenue.

–Ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*