Home / Business / ALAMIN: Tapyas sa presyo ng petrolyo sa ilang gasolinahan

ALAMIN: Tapyas sa presyo ng petrolyo sa ilang gasolinahan

Ilan pang kompanya ng langis ang nag-anunsiyo nitong Linggo na magkakaroon sila ng bawas sa presyo ng kanilang mga produkto bunsod ng pagmura ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Ayon sa SEAOIL, magpapatupad sila ng P2 bawas sa kada litro ng gasolina at kerosene at P2.10 bawas sa kada litro ng diesel simula alas-6 ng umaga ng Lunes, Disyembre 3.

Parehong presyo rin ang ipatutupad ng Jetti Pump simula Lunes sa kanilang gasolina at diesel.

Sa Martes, Disyembre 4, naman magpapatupad ang PTT Philippines, Caltex at Shell ng P2 bawas sa kada litro ng gasolina at P2.10 bawas sa kada litro ng diesel.

Magbabawas din ang Caltex at Shell ng P2 sa kada litro ng kanilang kerosene.

Tatapyasan naman ng Petro Gazz ng P2 ang kada litro ng kanilang diesel at gasolina simula Martes.

Naunang magpatupad noong tanghali ng Sabado ang Phoenix Petroleum ng P2 tapyas sa kada litro ng gasolina at diesel.

Bukod doon, simula rin noong Sabado ay nagpatupad ng bawas sa liquefied petroleum gas (LPG) ang mga sumusunod na gasolinahan:

  • Petron Gasul and Fiesta Gas – P6.40/kg rollback (P70 less per 11kg)
  • Petron AutoLPG – P3.50/liter rollback
  • Solane – P6.36/kg rollback (P69.96 less per 11kg)
  • EC Gas LPG – P6.50/kg rollback (P71.50 less per 11kg)

–Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*