Home / Lifestyle / Anak ng coach na umano’y nanghalay ng 12-anyos na player, nahuli

Anak ng coach na umano’y nanghalay ng 12-anyos na player, nahuli

Hinuli ng mga pulis Martes ng hapon ang anak ng isang dating volleyball coach na inakusahan na nanghalay ng kanyang 12-anyos na manlalaro.

Hinarang umano ni John Erick Laping, 24, ang mga pulis na arestuhin ang kanyang ama na si Dennis Laping.

Mahaharap siya sa kasong obstruction of apprehension and prosecution of criminal offenders.

Batay sa police blotter, nagtungo ang mga pulis sa Barangay Old Balara, Quezon City pasado alas-4 ng hapon para hulihin si Dennis.

Si Dennis ay nahaharap sa kasong statutory rape at qualified seduction matapos umano niyang gahasain ang biktima.

Nakita ng pulis si Dennis na nakatayo sa labas ng bahay pero bigla siyang tumakbo palayo.

Hinabol nila si Dennis pero hinarang sila ni John Erick at tuluyan ng nakatakas ang suspek.

May P100,000 na pabuyang ibinigay ang pamilya ng biktima sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ni Dennis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*