Home / Entertainment / Andrea at Francine, may kumpetisyon din ba sa tunay na buhay?

Andrea at Francine, may kumpetisyon din ba sa tunay na buhay?

MANILA — Iginiit ni Andrea Brillantes na walang kompetisyon sa pagitan nila ni Francine Diaz kahit pa magkaribal ang mga karakter nila sa sikat na seryeng "Kadenang Ginto."

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, ibinahagi ng dalawa ang kanilang magandang relasyon bilang magkaibigan. Giit ng dalawa, biyaya ang tingin nila sa isa't isa.

"Oo naman po. Super close kasi sobrang gaan katrabaho ni Francine," ani Andrea.
 
"At saka sobrang, feeling ko blessing ka kasi never kong naramdaman na kailangan kong makipag-compete sa iyo kahit magkaribal tayo sa show, wala akong naramdaman. Feeling ko nagtutulungan lang tayo," ani Andrea na inalala pa ang unang beses na magkasama sila ni Francine para sa proyekto.

"At saka noong una pala tayong magkasama, after ng blog con natin, sabi mo 'uy maging best friends tayo ha?'" ani Andrea.

Ayon din kay Francine, maituturing niyang biyaya si Andrea na laging nakasuporta sa kanya.

"At saka kapag may mabibigat kaming eksena at hindi ko mapigilan ang iyak ko siya 'yung laging (nandiyan). Sobrang niyayakap niya ako (sasabihin niya) 'I love you," ani Francine.

Mapapanood ang maiinit na harapan ng mga karakter nina Francine at Andrea sa "Kadenang Ginto" mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng "It's Showtime."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*