Home / Entertainment / Asawa ni Cristine Reyes, bibida na sa pelikula

Asawa ni Cristine Reyes, bibida na sa pelikula

Stand out ang mag-asawang Cristine Reyes at Ali Khatibi sa katatapos lang na The Eddys Awards.

Isa ang celebrity couple sa presenters. Dito naibahagi ni Cristine ang kanyang kasiyahan para sa asawang si Ali, na bibida para sa unang action movie nito na “Double Barrel.”

“Actually I’m very proud of him kasi he’s super shy talaga, pero he’s trying his best and he’s enjoying it,” ani Cristine.

Dahil ito ang unang beses na sumabak si Ali sa pag-arte, kuwento ni Cristine, isa sa naging bonding nilang mag-asawa ang pagbabahagi niya ng tips sa acting.

“Yes, nag-uusap kami and sometimes naman nagsasabi ako sa kanya ng mga natutunan ko rin,” ani Cristine.

Malaki rin ang pasasalamat ni Ali sa asawa dahil sa guidance nito sa kanya.

“She guides me, she told me na learn to know my character, pag-aralan kong mabuti, and tanggalin ko raw ang hiya, kasi ‘yun ang mag-hold back sa ‘yo,” ani Ali.

Kung papalarin naman daw, bukas din ang mag-asawang Cristine at Ali kung sakaling bigyan sila ng proyekto together.

“Why not? Okay ako doon,” ani Cristine.

Kahit na pareho nang aktibo sa showbiz, hands on pa rin sina Cristine at Ali sa pag-aalaga sa kanilang anak na si Amarah.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Entertainment

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*