Home / Lifestyle / Babae, patay sa pamamaril sa Maynila

Babae, patay sa pamamaril sa Maynila

MANILA – Patay ang isang babae matapos pagbabarilin sa loob ng kaniyang barong-barong, Linggo ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila.

Agad namang naaresto ng pulisya ang dalawang suspek sa pamamaril sa biktimang kinilalang si Richie San Juan, 39 anyos na nakatira sa tabi ng riles ng tren.

Kwento ng 15 anyos na anak ng biktima, nasa katabi siyang barong-barong nang makarinig ng dalawang putok ng baril pasado 1:45 AM.

Pagsilip niya sa kabilang kubol ay duguan at wala ng buhay ang kanyang nanay.

Kinilala ni PO3 Dindo Encina ang mga suspek na si Anjon Ando, 25 anyos na nakatira sa Taguig City at Joemar Advincula, 28 anyos na residente ng West Pembo, Makati.

Nagsasagawa ng operasyon laban sa mga kriminal ang mga pulis nang makatanggap sila ng report hinggil sa pamamaril sa naturang lugar.

Naabutan pa ng mga pulis na nagmadaling umalis ang mga suspek at agad naman nilang hinabol at kalauna’y nahuli rin ilang kanto ang layo mula sa pinagyarihan ng krimen.

Ayon sa suspek na si Ando, binayaran siya ng mahigit P40,000 upang patayin si San Juan. Aminado itong isa siyang hitman pero niya sinabi kung sino ang nag-utos na patayin ang biktima.

Itinanggi ng mga kaanak na gumagamit o nagbebenta ng iligal na droga ang biktima.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa insidente. —ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*