Home / Lifestyle / Babae pinatay ng mister sa GenSan

Babae pinatay ng mister sa GenSan

Natagpuang patay ang isang babae sa isang bukid sa Barangay Conel, General Santos City Biyernes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Jessa Upong, na natagpuang walang saplot pang-ibaba at duguan ang mukha at ari.

Kwento ni Lovelyn, kapatid ng biktima, bandang alas-10 ng gabi Huwebes nang natulog siya kasama si Upong at dalawa nitong anak sa farm house.

Nasa ikalawang palapag naman ng farm house natulog ang mister ni Upong na si Joey Bulani.

Pero alas-12 ng gabi, bigla na lang daw nagising si Lovelyn nang hampasin siya ng kahoy sa ulo ng kaniyang bayaw na si Bulani.

Nagkaroon pa raw ng komosyon sa loob ng bahay, pero nakalabas daw siya at humingi ng saklolo.

Nang humingi raw siya ng tulong, tumakbo palabas si Upong pero kinaladkad daw ito pabalik sa loob ng suspek.

Nang makatakbo muli si Upong, kinaladkad umano siya patungo sa madilim at masukal na parte ng bukid.

Agad naman daw rumesponde ang barangay pero wala na silang naabutan. Hinanap daw nila ang biktima pero hindi na nila nakita.

Biyernes ng umaga na nila nakita ang mga hibla ng buhok sa biktima na nakasabit sa barb wire.

Nang sundan nila ito, nakita na lang nila na patay na si Upong at wala nang saplot.

Hinala nila, ginahasa pa ng suspek ang biktima.

Hindi naman makapaniwala ang mga kapatid ni Upong dahil naging mabuti naman daw sa kanila ang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon, selos ang nakikita nilang motibo ng krimen. Nagkaroon na raw kasi ng lamat ang pagsasama ng mag-asawa at nagkalabuan.

Patuloy na tinutugis ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*