Home / Lifestyle / Bantay Bata 163 Village binuksan sa Bulacan

Bantay Bata 163 Village binuksan sa Bulacan

Nilahukan ng ilang Kapamilya stars ang pagbubukas ng Bantay Bata 163 Village sa Bulacan nitong Sabado, Disyembre 1, 2018. Abner Mercado, ABS-CBN News

NORZAGARAY, Bulacan – Binuksan Sabado ang Bantay Bata 163 Village dito, kung saan maninirahan ang mga batang nailigtas sa iba't ibang uri ng pang-abuso. 

Nilahukan ng ilang Kapamilya stars ang pagbubukas ng village gaya nina Piolo Pascual, JM De Guzman, at ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber.

“Natutuwa ako at may ganitong mga proyekto para sa mga batang gaya nila," ani Entrata.

Namahagi rin ng mga pagkain at regalo ang mga nasabing artista.

Manunuluyan sa bagong village ang 46 na bata mula sa Reception and Action Center ng Quezon City Social Services and Development Department.

Ang mga nasabing bata ay nailigtas mula sa pang-aabuso, pagpapabaya, at pagmamalupit ng kanilang mga magulang,

“Dito sa Bantay Bata 163 Children’s Village muling nabubuo ang pag-asa para sa mga batang ito na dumaan sa masamang karanasan," ani Jing Castañeda-Velasco, program director ng Bantay Bata 163. 

Ang Bantay Bata 163 ay isang social welfare program ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation para sa mga kabataan.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*