Home / Lifestyle / Barangay chairman patay sa pamamaril sa Bacolod

Barangay chairman patay sa pamamaril sa Bacolod

BACOLOD CITY—Patay ang punong barangay ng Barangay 16 sa lungsod na ito matapos pagbabarilin sa harap ng kaniyang bahay Sabado ng gabi.

Nagulat ang karamihan sa mga kapitbahay ni Nelson Ligaya Jr. nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril pasado alas-9 ng gabi.

Ayon sa isa sa mga umuupa sa bahay ng kapitan, apat na lalaking naka-bonnet umano ang bumaril kay Ligaya at pawang mga riding-in-tandem.

Naitakbo sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay dahil sa tama ng bala ng baril sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Kamakailan lang sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ay may binantaan siyang punong barangay na may kinalaman daw sa ilegal na droga.

Ayaw naman magbigay ng komento ng pamilya ng yumaong kapitan hinggil dito.

Pero ayon sa kanila ay mabait at matulungin ang tinuturing lider ng barangay.

Patuloy ang imbestigayon ng pulisya sa insidente. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*