Home / Entertainment / Barbie Imperial, pahinga muna sa love life

Barbie Imperial, pahinga muna sa love life

MANILA — Inamin ni Barbie Imperial na pahinga muna siya pagdating sa buhay pag-ibig.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, ipinaliwanag ni Barbie na ang kanyang magandang karera sa show business ang dahilan kung bakit pahinga muna siya sa pakikipagrelasyon.

"Pahinga po muna," aniya.

"Kasi marami rin po ang nag-a-advise sa akin. Mga ate, tito, tita na parang nandito na po ako, huwag ko nang sayangin ito. Kasi nakita na nila kung paano ako dati ma-in love at mini-make sure ko na kapag na-in love ako ay ibang Barbie na," dagdag ng aktres.

Giit ng Barbie, ini-enjoy niya ngayon ang kanyang trabaho bilang aktres.

Huling naiugnay si Barbie sa aktor na si JM de Guzman, na nakatambal niya sa seryeng "Araw Gabi."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*