Home / Lifestyle / Bise alkalde ng Agusan del Norte timbog sa droga

Bise alkalde ng Agusan del Norte timbog sa droga

Arestado ang bise alkalde ng Jabonga, Agusan del Norte sa ikinasang drug raid sa kaniyang bahay noong nakaraang Miyerkoles.

Pero sapilitan at wala umanong dalang search warrant ang pulisya nang pumasok sa bahay ni Vice Mayor Glecerio Monton.

Halos dalawang oras umano ang lumipas bago dumating ang Jabong Police team na may bitbit ng search warrant.

Ayon kay Atty. Jerich Cuasito, abogado ni Monton, isang paglabag sa konstitusyon ang pagpasok sa bahay na walang search warrant.

"When they went in they even force themselves inside, they destroyed it. That's first violation when they destroyed it. Second, they didn't even show any search warrant, third wala silang kasamang mga witnesses, fourth when they entered they did not make use of the occupants as their own witnesses in their search," aniya.

Pero giniit ni Chief Insp. Yeelyne Saligumba na dala ng mga operatiba ang search warrant.

"We have a search warrant signed by our MTC Canete of Nasipit dala nila yun. Actually, we have the court to issue nila para doon nila ipresent lahat ng ebidensya nila. Ang sa amin, dala iyan ng tropa namin. In a raiding team iba-iba yang tasking nila," aniya. 

Nakumpiska ang 12 pakete ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa P700,000 at isang granada sa bahay ng bise alkalde.

Video courtesy of Vice Mayor Glecerio Monton's legal team

Sa CCTV footage, makikitang nagising ang isang lalaki nang dumating ang mahigit 10 miyembro ng pulisya ng Provincial Intelligence Branch.

Kumatok ang isang pulis sa pinto ng bahay alas-2:49 ng madaling araw. Matapos ang dalawang minuto puwersahan nila itong binuksan.

Nang nakapasok na sa bahay ang mga pulis, dumiretso ito sa isang maliit na kwarto. Pinadapa ang isang lalaki. Ilang minuto ding labas-pasok sa kwarto ang mga pulis.

Ayon kay Cuasito, ayaw nilang isipin na napulitika si Monton pero hindi rin maiwasan na ito ang kinahihinatnan lalo pa't parehong mga personahe ng kapulisan ang nagsagawa ng operasyon laban sa ilang kaalyado nila sa politika.

Ayon sa Jabonga Police, kasama si Monton sa kanilang drugs watchlist. Kaya noong nakaraang taon ay nagpunta siya para linawin na hindi siya dawit sa ilegal na droga.

Negatibo naman ang resulta ng drug test ng bise alkalde nang siya'y arestuhin.

Isinugod sa isang pribadong ospital si Monton matapos tumaas ang blood pressure at sugar nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*