Home / Lifestyle / Bulkang Mayon nagbuga ng 500-metrong taas ng abo

Bulkang Mayon nagbuga ng 500-metrong taas ng abo

Nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon nitong Lunes ng umaga. Alex Madronio

Dalawang beses nagbuga ng aabot sa kalahating kilometrong taas ng abo ang Bulkang Mayon nitong Lunes ng umaga, ayon sa Phivolcs.

"Grayish to grayish white" ang abong 300-500 ang taas na inilabas ng bulkan, ayon sa bulletin na inilabas ng ahensya.

Nagkaroon na rin ng "phreatic eruptions" ang Bulkang Mayon mula noong ibinaba ang alert level nito mula sa ikalawang-pinakamataas ng Level 4 noong Marso, sabi ni Phivolcs Director Renator Solidum sa isang mensahe sa ABS-CBN News.

Nitong buwan ay nagkaroon na ng 4 na phreatic eruption episodes ang bulkan, ayon sa lokal nitong tanggapan.

Ang sulfur dioxide na naobserbahan dito noong Linggo ay nasa 1,943 tonelada/araw.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa Bulkang Mayon, kung saan mahigpit na ipinagbabawal pa rin ang anumang aktibidad sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone. Ito ay nangangahulugan ng "moderate level of volcanic unrest."

Nirerekomenda rin ng Phivolcs na ipagbawal din ang mga naturang aktibidad sa loob ng 7-kilometrong extended danger zone na aabot sa mga bayan ng Anoling, Camalig hanggang Sta. Misericordia, Sto. Domingo.

Pinaalalahanan naman ng Phivolcs ang mga nakatira sa mga lugar na ito na manatiling alerto sa mga posibleng rockfall at ashfall. – ulat mula kay Jose Carretero, ABS-CBN News

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*