Home / Entertainment / Coco Martin: 'Tatambling pa ako para sa kanila'

Coco Martin: 'Tatambling pa ako para sa kanila'

MANILA — Biyaheng Vancouver, Canada ang aktor na si Coco Martin para magbigay saya sa mga kababayang Filipino.

Bago tumulak patungong ibang bansa nitong Biyernes, ibinahagi ni Coco kung bakit espesyal ang pagbabalik niya sa Canada.

"Unang-una siyempre excited ako dahil I'm sure magbabalik alaala ako roon dahil sabi ko nga before ako nag-artista nagtrabaho ako noon sa Canada, nag-OFW ako. Nagtrabaho ako roon bilang 
janitor," kuwento ni Coco.

Ngayong magbabalik Canada si Coco kasama ang iba pang bituin ng sikat na seryeng "FPJ's Ang Probinsyano," hiling ni Coco na mabigyan ng kasiyahan ang mga kababayan.

"At ngayon makakabalik ako para makapagpasalamat sa mga kababayan natin doon, sa lahat ng mga kababayan nating Filipino sa suportang ibinibigay nila sa 'FPJ's Ang Probinsyano' sana mapasaya namin sila," ani Coco.

"Pinaghandaan namin ito, kasi siyempre alam namin na matagal nang hindi nakauwi ang mga kababayan natin doon. Sisiguraduhin namin na mage-enjoy sila sa show na ibibigay namin. Tatambling pa ako para sa kanila," dagdag ng aktor.

Sa Disyembre 2 sa PNE Vancouver Forum Canada, magaganap ang Kapamilya Fiesta World kung saan tampok sina Coco at iba pang mga bituin ng "FPJ's Ang Probinsyano."
 

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*