Home / Lifestyle / Compound ng opisyal ng CIDG, pinasabugan

Compound ng opisyal ng CIDG, pinasabugan

SULTAN KUDARAT, Maguindanao – Pinasabugan Biyernes ng madaling-araw ang compound ng isang opisyal ng pulis sa Bulalo, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Butas ang bintana at nag-iwan ng biyak sa lupa ang pagsabog sa compound ni Chief Insp. Esmael Madin ng Criminal Investigation and Detection Group – Autonomous Region in Muslim Mindanao (CIDG-ARMM).

Wala namang nasaktan sa insidente.

Base sa imbestigasyon, nakatayo sa gilid ng kalsada ang isang lalaki at saka inihagis ang granada sa compound ni Madin.

Hinala ni Madin, may kinalaman ito sa trabaho.

"Sa dami ng huli natin, sa dami ng naipakulong natin, maraming nasagasaan… Malamang 'di na makalabas relative nila kaya nag-retaliate," aniya.

Matapos ang pagpapasabog, pinadalhan pa ng text message si Madin na sinabing "Patikim pa lang 'yan."

Nakikipagtulungan na si Madin sa awtoridad at mayroon na umano silang lead sa taong nasa likod ng insidente. – ulat ni Arianne Apatan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*