Home / Lifestyle / Dahil sa selos? Babae, pinagsasaksak ng mister

Dahil sa selos? Babae, pinagsasaksak ng mister

Patay ang isang babae matapos umanong pagsasaksakin ng kaniyang sariling mister sa Barangay Guba, Cebu City.

Huwebes ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng 40 taong gulang na biktima malapit sa tirahan nito.

Tadtad ng saksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isa sa mga unang nakakita sa bangkay ang anak ng biktima.

“Paglabas ko nakita ko mga gamit ni mama. Sa unahan nakita ko na siyang duguan,” kuwento ng anak.

Huli umanong kasama ng biktima ang kaniyang asawa, na kasalukuyang hindi mahagilap at itinuturing na person of interest ng pulisya.

Natagpuan malapit sa bangkay ang isang duguan na damit na ayon sa anak ay pagmamay-ari ng kaniyang ama.

Ayon kay Senior Police Officer 1 Winston Ybañez, imbestigador ng Cebu City Police Office, isa sa mga tinitingnang motibo sa pananaksak ay selos dahil madalas umanong nagtatalo ang mag-asawa.

Ikinasa na ng pulisya ang paghahanap sa asawa ng biktima.

Samanatala, isang lalaking biktima rin ng pananaksak ang natagpuang patay sa Naga City, Cebu noong Miyerkoles ng hapon.

Hanggang ngayo’y hindi pa nabibigyan ng pagkakakilanlan ang biktima, na tinataya ng pulisya na nasa 30 hanggang 40 anyos ang edad.

— Ulat ni Donna Lavares, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*