Home / Business / Dating college student dropout, umasenso dahil sa kanyang lechon business

Dating college student dropout, umasenso dahil sa kanyang lechon business

Hangad ng marami ang makapagtapos ng pag-aaral para magkaroon ng maginhawang buhay.

Pero para kay Ken Pascual, iba ang naging takbo ng kanyang kapalaran.

Sa murang edad, nakahiligan na ni Kel ang pagluluto. Nang magkolehiyo, culinary course ang kanyang kinuha. Pinagsumikapan ng kanyang magulang na maitawid ang kanyang pag-aaral ngunit nagkaproblema sila nang mawalan ng trabaho ang kanyang ama. Dahil dito, napilitang tumigil sa pag-aaral si Kel.

"Mahirap po kasi nakikita ko rin na sobrang guilty sila, na hindi nila ma-provide ‘yung basic na pangangailangan ko as a college student." pagbabalik-tanaw ni Kel kay Karen Davila para sa My Puhunan.

Iba’t ibang trabaho ang pinasok ni Kel para makatulong sa pamilya. Minsan na siyang naging call center at insurance agent. Dahil first love niya ang pagluluto, naisipan niyang magbenta ng mga lutong bahay na ulam.

Gamit ang P4,000.00 na puhunan, katuwang ang kanyang ina, nagluto si Kel ng iba’t ibang lutong bahay na ulam sa isang weekend bazaar. Sa kanyang pagtitinda, napansin niya na mas mabenta ang lechon kumpara sa iba niyang ulam kung kaya’t nagdesisyon siyang dito mag-focus.

Mula sa pagba-bazaar, makalipas lamang ang ilang taon, lumago ang negosyo ni Kel. Ang kanyang 'Manilachon' ay mayroon nang tatlong branches sa Metro Manila. Highlight ng kanyang lechon business ang special porchetta.

Sa kabila ng pinagdaanan ni Kel, pinatunayan niyang anumang pagsubok ang dumaan, kakayanin basta't determinado.

"Hanapin mo kung ano ‘yung gusto mong gawin, husayan mo, Magtiyaga ka."

Sundan ang My Puhunan online: 
Microsite: news.abs-cbn.com/MyPuhunan
Facebook & Twitter: @MyPuhunan
Instagram: @mypuhunantv

Panoorin ang My Puhunan online: (Please make the links clickable.)
www.IWANTV.com.ph (within PH)
www.TFC.tv (outside PH)
www.youtube.com/abscbnnews (episode highlights)

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*