Home / Lifestyle / Dating inmate, huli sa buy-bust

Dating inmate, huli sa buy-bust

Nahuli sa aktong nagbebenta ng pinaniniwalaang shabu ang suspek, Mayo 17, 2018 ng gabi sa Barangay 25-C sa Davao City.

DAVAO CITY – Balik-kulungan ang isang 36-anyos na lalaki matapos na mahuli sa aktong nagbebenta ng pinaghihinalaang shabu, Huwebes ng gabi sa Ponce Street, Barangay 25-C.

Nakuha ng mga operatiba ng Santa Ana Police Station mula sa suspek ang isang sachet na umano'y shabu at buy-bust money.

Aminado ang suspek na gumagamit ng shabu pero pinabulaanan niyang nagbebenta siya ng droga.

Aniya, nagtatrabaho siya ng maayos bilang construction worker upang masuportahan ang pangangailangan ng kaniyang halos 70-taong gulang na ama na may sakit na UTI.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nakulong na ang suspek noong 2006 dahil sa parehong kaso at nakalaya sa Davao City Jail noong 2016 lamang.

Nahaharap siya muli sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*