Home / Lifestyle / Estudyanteng Grade 8 timbog sa buy-bust sa Davao

Estudyanteng Grade 8 timbog sa buy-bust sa Davao

Claire Cornelio, ABS-CBN News

DAVAO CITY — Arestado ang 22 taong gulang na Grade 8 student sa buy-bust operation sa Barangay 8-A nitong Lunes ng gabi.

Apat na sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mga nagpanggap na buyer kay Ernesto Tallorin. 

Sabi ni Chief Insp. Benkalin Buan, hepe ng San Pedro police station, nasa drugs watchlist ang suspek. 

Bukod sa umano'y pagiging tulak ng ipinagbabawal na gamot, dawit din aniya si Tallorin sa ilang kaso ng pagnanakaw.

Itinanggi naman ng suspek ang mga akusasyon sa kanya, bagama't aminado siyang gumagamit siya ng ilegal na droga. 

Grade 8 pa lang umano ang suspek dahil may panahong tumigil ito sa pag-aaral. 

Sinampahan na siya ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*