Home / Business / Fuel excise tax sa 2019, baka magdulot ng mga taas-presyo: grupo

Fuel excise tax sa 2019, baka magdulot ng mga taas-presyo: grupo

Nangangamba ang ilang grupo na baka magtataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin kasunod ng anunsiyo ng pamahalaan na itutuloy ang dagdag sa excise tax ng langis sa 2019.

Parte ang dagdag-buwis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act.

Paliwanag ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association president Steven Cua, ginagamitan kasi ng transportasyon ang mga pangunahing bilihin tulad ng mga karne, gulay, at prutas kapag ipinapadala na ito sa mga pamilihan.

"For distributors, delivery, Christmas rush, traffic, difficulty in parking, and all those things na additional cost, incidental expenses 'yan in delivering the goods to the supermarkets," aniya.

"For the fresh produce 'yun ang matatamaan, 'yun malaki ang epekto noon… which supermarkets and markets also carry," dagdag niya.

Hamon ni Cua, dapat ipakita ng pamahalaan na ginagamit ang buwis sa pagpapagawa ng impraestruktura.

Para naman kay United Filipino Consumers and Commuters president RJ Javellana, dagok ang ikalawang tranche ng excise tax sa mga konsumer dahil hindi pa sila nakakabangon sa mga nagdaang mga taas-presyo.

Nanawagan din si Javellana na palitan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang economic managers.

Nitong Nobyembre lamang naitala ang pagbagal ng inflation nitong 2018, na nasa 6 porsiyento mula 6.7 porsiyento noong Setyembre at Oktubre.

Nauna nang inanunsiyo na suspendido ang dagdag-buwis sa langis. Ngunit matapos ang sunod-sunod na linggong rollback, napagpasyahan ng gobyerno na ituloy ang muling pagpataw ng dagdag fuel excise tax.

— Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*