Home / Lifestyle / Health workers sa ilalim ng DOH, umapela para ma-regular sa trabaho

Health workers sa ilalim ng DOH, umapela para ma-regular sa trabaho

Umapela ang mga health worker na nagtatrabaho sa ilalim ng Department of Health (DOH) na sila’y gawing regular sa trabaho upang matiyak ang seguridad sa kanilang pinagkakakitaang propesyon.

Nasa higit 200,000 health workers, kabilang ang mga doktor at nars, ang kontraktuwal sa ilalim ng human resources program ng DOH.

Ang iba rito’y tawid-dagat pa at nasa mga liblib na bundok para magpatupad ng mga programang pangkalusugan ng pamahalaan.

Ayon sa isang grupo ng mga nars, P31,000 ang kanilang suweldo pero nakakaltasan pa ito at bumababa sa P21,000.

Wala umanong benepisyong natatanggap ang mga manggagawa at kada anim na buwan ang renewal ng kontrata.

“Hindi nila malaman na ‘pag Pasko na, imbes na nag-se-celebrate sila ng Pasko, takot na takot sila na mawawalan sila ng trabaho sa Enero,” sabi ni Leah Paquiz, pinuno ng Ang Nars party-list.

Sa isang forum, nanawagan din ang ilang miyembro ng programa kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyang pansin ang kanilang karaingan.

Dahil sa nangyayari, nadidismaya ang ilang nagtapos ng nursing na pumasok sa programa ng DOH.

Ang nursing graduate na si Benjie Foscalbo, mas pinili na lang magnegosyo.

“‘Paano pa kami makakapagbigay ng maayos na serbisyo kung ‘di naman namin nakukuha ‘yong karaptan namin?” sabi ni Foscalbo.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang DOH sa isyung idinudulog ng mga health worker.

— Ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*