Home / Lifestyle / High-school student timbog sa droga sa Cubao

High-school student timbog sa droga sa Cubao

MAYNILA—Arestado ang isang high school student matapos mahulihan ng 13 pakete ng marijuana sa Cubao nitong Sabado.

Hawak ng QC Police District Station 7 drug enforcement unit ang 19-anyos na suspek na nabilihan ng P6,500 halaga ng droga.

Ayon sa pulisya, nakipagtransaksyon sila sa suspek sa pamamagitan ng social media.

Mga estudyante rin umano ang parokyano ng suspek. Depensa niya, napilitan lamang siyang magbenta ng marijuana upang maipangdagdag sa pambili ng pagkain.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*