Home / Entertainment / Hugot ni 'Funny One' Donna, may basehan sa tunay na buhay?

Hugot ni 'Funny One' Donna, may basehan sa tunay na buhay?

Hitik sa tawa ang mga manonood tuwing magbibitiw ng punchline si Donna Cariaga.

Noong Sabado, Disyembre 2, itinanghal si Cariaga na grand winner sa second season ng “Funny One” ng programang “It’s Showtime.”

Tubong Baguio City ang 20 anyos na si Cariaga, na nagtapos ng kursong mass communication sa Saint Louis University noong 2015.

Nagsilbi siyang theater director sa unibersidad.

Ayon kay Cariaga, sa “It’s Showtime” ang unang beses na sumabak siya sa isang patimpalak.

Muling nagpatawa si Cariaga sa programa noong Lunes, Disyembre 4.

Sa kaniyang mga linya, bukambibig niya ang umano’y dating nobyong kilala sa pangalang “James.”

Pero inamin ni Cariaga na kathang-isip lang si James.

Mayroon siyang karelasyon sa tunay na buhay na todo suporta sa kaniyang pagsikat.

Labis din ang suporta at pagmamalaki ng mga taga-Baguio sa komedyante, kabilang sina Damsel Pobre at Jannelle Addamo.

Ayon kay Pobre, ikinatutuwa niya ang “kilig factor” sa mga banat ni Cariaga.

Para kay Addamo, ang paraan ng pananalita ni Cariaga ang nakapagdaragdag ng timpla sa mga biro niya kaya mas nakakatawa.

— Ulat ni Micaella Ilao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Entertainment

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*