Home / Lifestyle / Hugpong ng Pagbabago, may bagong kaalyado sa Bataan

Hugpong ng Pagbabago, may bagong kaalyado sa Bataan

May bagong kaalyado sa lalawigan ng Bataan ang Hugpong ng Pagbabago na pinamumunuan ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Nitong Linggo, pumirma ng kasunduan ang Partido Balikatan ng Bataan sa pangunguna ni Bataan Governor Albert Garcia at ang Hugpong ng Pagbabago ni Mayor Duterte.

Kasama ni Mayor Duterte ang ilan sa mga kandidato ng partido sa senado kabilang na sina Ronald dela Rosa, Jiggy Manicad, Jinggoy Estrada at Sonny Angara.

Kasama rin ng grupo si Bacoor Mayor Lani Mercado na kumakatawan sa asawang si Bong Revilla.

Ayon kay Mayor Duterte, umiikot ang grupo sa buong bansa para makakuha ng suporta para sa mga senador na tutulong sa administrasyong Duterte. – ulat mula kay Gracie Rutao, ABS-CBN News

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*