Home / Lifestyle / Ilang kalsada sa Maynila isasara para sa Grand Marian Procession

Ilang kalsada sa Maynila isasara para sa Grand Marian Procession

MAYNILA – Isasara ang ilang kalsada sa Maynila ngayong araw ng Linggo para bigyang-daan ang Grand Marian Procession na magsisimula bandang alas-4:00 ng hapon.

Kabilang sa mga saradong kalsada ang A. Soriano Street mula sa Anda Circle.

Magsisimula ang prusisyon sa Manila Cathedral sa Plaza Roma, dadaan ito sa General Luna Street, kakaliwa sa Muralla, at magtatapos sa Magallanes Drive.

Inaasahan ang pagsikip ng daloy ng mga sasakyan sa loob ng Intramuros ngayong araw.

Kung walang aberya, matatapos ang prusisyon bandang alas-8:00 ng gabi.–ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*