Home / Lifestyle / Imelda Marcos, 'guilty' sa kasong graft, pinaaaresto

Imelda Marcos, 'guilty' sa kasong graft, pinaaaresto

Nahatulang "guilty" sa 7 counts ng kasong graft si Imelda Marcos. Agence France-Presse

Pinaaaresto ng Sandiganbayan nitong Biyernes si dating First Lady at ngayo'y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos matapos hatulang guilty sa pitong counts ng graft dahil sa paggamit sa kaniyang posisyon noon upang magpanatili ng mga Swiss bank account.

Tumayong Minister of Human Settlements at miyembro rin ng Interim Batasan Pambansa si Imelda noong panahon ng pamumuno ng kaniyang asawang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. mula 1965 hanggang 1986.

Sinasabing ginamit ng pamilya Marcos ang mga Swiss bank account upang itago ang kanilang mga ninakaw na pera mula sa gobyerno. 

Nahaharap ngayon ang ginang sa hindi bababa sa anim na taong pagkakakulong at perpetual disqualification sa paghawak ng ano mang posisyon sa gobyerno. 

Naghain ng certificate of candidacy si Marcos upang tumakbo sa pagka-gobernador ng Ilocos Norte sa halalan sa Mayo 2019. 

Maaari pang iapela ni Marcos ang hatol sa Korte Suprema. 

Ayon sa Philippine Commission on Good Government (PCGG), tinatayang nasa $ 5 bilyon hanggang $ 10 bilyon ang tagong yaman ng pamilya Marcos.

Nasa P170 bilyon na dito ang narekober ng gobyerno sa nakalipas na 30 taon. 

—May ulat ni Adrian Ayalin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*