Home / Entertainment / Ina ni Karla Estrada, inalala ang pag-aalaga niya kay Daniel Padilla

Ina ni Karla Estrada, inalala ang pag-aalaga niya kay Daniel Padilla

MANILA — “Napakabait.”

Ganito inilarawan ni Thelma Ilago, ina ni Karla Estrada, ang kanyang apo na si Daniel Padilla sa pagbisita nito sa “Magandang Buhay” nitong Lunes.

“Ang suwerte ng mga kapatid niya. May yaya na ngayon. Pero si Daniel ako nag-alaga. Saka napakabait dahil sa lola niya mabait din, yun talaga,” ani Lola Thelma na proud na proud sa kanyang apo.

Ibinahagi rin niya ang naging pag-aalaga niya noon sa aktor.

“Ako talaga ang nagbantay kay DJ noong baby pa. Sa crib lang ‘yan… mayroong dede, tapos ang TV nakaharap lang. Pagkatapos may gatas siyang nakatimpla na, baba kami nung maid, maglilinis kami. Pag-akyat namin tulog na si Daniel, ubos na ang dodo. Kinakarga ko lang ‘yan pagkaligo, tapos balik sa crib,” kuwento ng lola.

Maliban sa kanyang apo, pinuri rin ni Thelma ang kanyang anak na si Karla.

“Ito napakabait, grabe. Nakakawa ito kasi ang mga pinsan sa Tacloban, siya ang nagpapaaral. Ang sabi ko more blessing darating sa iyo. Tutal hindi naman natin madadala ang kayamanan kapag wala na tayo,” aniya.

Let’s block ads! (Why?)

Entertainment

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*