Home / Entertainment / Ina ni Vice Ganda, boto nga ba kay Calvin Abueva?

Ina ni Vice Ganda, boto nga ba kay Calvin Abueva?

MANILA – Tila walang problema kay Mrs. Rosario Viceral ang isyung nag-uugnay sa kanyang anak na si Vice Ganda at sa basketbolistang si Calvin Abueva.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, naging bukas si mommy Rosario sa mga tanong tungkol kay Vice Ganda at Calvin.

Nang matanong ang reaksiyon sa pagiging masaya ngayon ng kanyang anak at ni Calvin tuwing magkasama, sagot ni mommy Rosario.

"That will be nice oo, maganda, masaya," ani Mrs. Viceral.

"Hindi sila nag o-open sa akin. Ako naman, nasa edad na sila. Parang wala na akong karapatan ba na na magusi-usisa pa. So, whatever comes I welcome them. I accept them. Kung saan sila masaya, masaya na rin ako," dagdag ng ina ni Vice Ganda.

Kuwento ni mommy Rosario, ipinakilala sa kanya ni Vice Ganda si Calvin sa naging bakasyon nila sa Boracay noong nakaraang buwan.

"Kasi magla-lunch kami tapos noong nandodoon na ako sabi niya 'Nay may bisita ako ha.' 'Okay lang anak' sabi ko. Tapos dumating sila pinakilala niya ako. That's it, I meet them," ani Mrs. Viceral.

Nang matanong naman kung alam niya ba ang kuwento o isyu sa pagitan ng anak at ni Calvin, sagot ng ina ni Vice Ganda: "Sa 'Showtime' nga nitong lately pagbalik ko 'yun bang mga biru-biruan napapansin ko. So tinanong ko sa apo kong babae 'anak ano yon?' sabi kong ganun, 'eto ipapakita ko sa inyo.'"

Sa "It's Showtime" nitong nakaraang linggo ay itinanggi ni Vice Ganda na sinundan siya ni Calvin sa Boracay.

Aniya, hindi sinasadya ang naging pagkikita nila sa Boracay ng basketball player.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*