Home / Lifestyle / Indian national, patay matapos makaladkad ng truck

Indian national, patay matapos makaladkad ng truck

SANTIAGO CITY, Isabela – Patay ang 40-anyos na negosyanteng Indian national matapos makaladkad ng trailer truck, Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa pulisya, sakay ng motorsiklo at binabaybay ng biktimang si Harjit Kaur ang national highway sa Barangay Mabini nang masagi umano siya ng nag-overtake na trailer truck.

“Tumilapon yung motorsiklo pero itong biktima ay naipit doon sa gulong ng trailer truck na umusad pa ng 50 meters kaya ang katawan ng biktima ay nagkalasog-lasog,” ayon kay Senior Inspector Hernando Baradi.

Kalahating katawan na lang ng biktima ang pinaglalamayan ng kaniyang pamilya kaya labis ang kanilang hinagpis sa trahedya.

Arestado ang driver ng truck na si Ryan Casino. Aminado siyang hindi umano niya agad napansin ang biktima.

“Humihingi na lang po ako ng pasensiya sa pamilya ng biktima. Hindi ko naman po kagustuhang mangyari iyon,” giit ni Casino.

Nasampahan na siya ng reklamong reckless imprudence resulting to homicide.

Bukas naman ang pamilya ng biktima na makipag-areglo na lang sa suspek.

Naulila ni Kaur ang mister at dalawang anak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*