Home / Entertainment / 'It's Showtime' hurados pinamaskuhan ng P21,000 ang kinatuwaang 'Tawag' contestant

'It's Showtime' hurados pinamaskuhan ng P21,000 ang kinatuwaang 'Tawag' contestant

MANILA – Hindi man nagwagi sa "Tawag ng Tanghalan" sa "It's Showtime" ngayong Sabado, nakangiti pa ring umuwi ang isang kalahok matapos siyang bigyan ng maagang pamasko ng mga hurado.

Nag-uwi ng P21,237 ang "rakista ng Siquijor" na si Roel Angot, matapos ikatuwa ng mga hurado ang tila pangangaroling sa pamamagitan ng pag-awit ng mga pinasikat nilang kanta.

Nanguna si Mitoy Yonting sa pagbibigay ng P2,000 matapos marinig awitin ni Angot ang kaniyang kantang "Pinaikot-ikot."

Nag-abot naman si Rey Valera ng P10,000 matapos kantahin ng kalahok ang kanyang mga tanyag na awiting "Maging Sino Ka Man" at "Pangako Sa'yo." 

Nakatanggap din ang kalahok ng P3,000 mula kay Randy Santiago na hinarana niya ng "Hindi Magbabago" at "Bababaero," at P2,050 mula kay Ogie Alcasid na natuwa sa kaniyang pag-awit ng "Nandito Ako."

Nag-ambag din ang "It's Showtime" host na si Vhong Navarro ng P4,000 nang kantahan siya ni Roel ng "Totoy Bibo."

Nakisali si Ryan Bang sa katuwaan at ipinagmalaki ang pagbibigay niya ng 4,000 Korean won, o P187.

Pinalakpakan, tinawanan at hiniyawan ng studio audience ang pagiging galante ng mga hurado.

"Tingnan mo, mas malaki pa 'yung mga binibigay ng mga hurado kesa sa mga papremyo natin," biro ng host na si Vice Ganda.

Nagpasalamat si Angot sa natanggap na salapi at sinabing gagamitin niya ito para sa kaniyang 2 anak habang hinihintay niyang matanggap siya sa inaaplayang cruise ship.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*