Home / Entertainment / K-pop girl group Momoland, humataw para sa fans sa PH

K-pop girl group Momoland, humataw para sa fans sa PH

Maaga ang Pasko para sa fans ng Momoland sa Pilipinas nang magtanghal para sa kanila ang K-pop girl group sa isang meet-and-greet ngayong Lunes.

Kabilang sa dumalo sa fan meet na idinaos sa Quezon City ang ilang tagahangang nagmula pa sa malalayong lugar, gaya ng isang tagahangang galing pa ng Mindanao.

"Pumunta pa kami dito sa Manila," sabi ng tagahanga.

Sa press conference bago ang fan meet, inamin ng grupo na ramdam nila ang mainit na suporta ng mga Pinoy.

"We really missed you guys and we really wanted to meet you guys in person," sabi ng miyembrong si Nancy, na kinagigiliwan ng mga Pinoy dahil sa pagiging kamukha ng atkres na si Liza Soberano.

Ilang araw ding mananatili ang Momoland sa bansa para sa photoshoot at ilang endorsements.

Ito na ang ikalawang pagbisita ng Momoland sa bansa matapos magtanghal para sa isang pribadong event noong Agosto.

Nakatakda rin silang magdaos ng libreng concert sa Ilocos Sur sa Disyembre 9.

Taong 2016 nang mag-debut sa South Korea ang Momoland na may pitong miyembro. Kalaunan ay nadagdagan ang grupo ng dalawa pang miyembro.

Nakilala sila dahil sa kanilang hit songs na "Bboom Bboom" at "Baam" na nagbunga ng mga dance craze dito sa Pilipinas.

–Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*